Mayor ng Pansukian nagkamit ng ibat-ibang parangal

Mayor ng Pansukian Surigao del Norte, Antonio Santos nagkamit ng iba’t-ibang parangal sa kanyang termino ng panunungkulan.
Nagbahagi ang mayor ng kagawaran sa isinagawang panayam nitong ika-1 ng Nobyembre, 2018 huwebes ng hapon.
“One of the major accomplishment I got is an award for One of the Philippine Most Outstanding Mayor in 2015,” pahayag ni Santos.
Ayon sa kanya, nasundan ito ng dalawa pang parangal sa taon ding iyon, isa na dito ang parangal ng kagawaran ng Pansukian Surigao del Norte.
“I also received ‘Galing Pook Award of 2015, and kasunod nito in behalf of my community and constituents I received Most Sustainable in Tourism Industry for the municipality,” dagdag niya.
Si mayor Santos ay maihahalintulad sa kanyang angkan na nagmula sa politiko simula sa kanyang lolo, ama at mga kapatid.
“My grandfather was a good congressman of the province, my father served as governor in 1998-2015 and brothers were councilors to their respective districts.”
Sa kanyang panghuling salita, siya ay nagpapasalamat sa kanyang kinalakihan at pinalaki siyang mulat sa politiko.
Solusyon sa problema ng pamunuan ng Pansukian ibinahagi
Dapa, Surigao del Norte — Sa isang panayam nitong araw ni Mayor Santos, ibinahagi ng mayor ang mga karampatang solusyon sa mga problema ng komunidad.
“We constructed business centers and stations for local entrepreneurs that includes 20 stalls, 30 carts and 50 booths”, “develop surfing camps for youths”, “and we established product development centers with NGOs.”
Ayon sa kanya, sa ganitong paraan mahihikayat natin ang ilan sa negosyo, ang mga kabataan tungo sa kaunlaran at ang magkaroon ng koneksyon sa NGOs.
“For the environment, we provided 270 garbage bins distributed to barangay’s”, “we planted artificial corals molded with cements and limestone founded by the Bricks Foundation in Belguim and implemented a no-plastic-policy in the entire municipality,” dagdag niya.
Aniya, “we also have a solution for the crime like we initiated 20 CCTV’s to public areas, strictly implemented curfew to the minors at 8 pm and provided 30 street lights to tourism roads and national/public highways.”
Sa ganitong paaran makakahinga ang komunidad sa pangamba ang pagkabahala.
Santos, problema ng komunidad inihayag
Matatandaang sinabi ni Mayor Antonio Santos sa kanyang unang pag-upo bilang mayor na pagtutuonan niya ng pansin ang mga problemang kinakaharap ng komunidad.
Sa ngayon, ibinahagi ng mayor ang mga problema tulad na lamang ng kakulangan sa mga ‘waste disposal units’ at mga materyalis nito.
“As of now, we identified some issues, like lacking of emergency response such as clinics and hospitals, and we also experiencing increased vehicle incidents and fare price hike,” sabi niya sa panayam nanaganap.
Ayon sa kanya, ilan lamang ito sa mga malalaking problemang dapat resolbahin ng pamunuan.
Dagdag niya, sinisikap din ng administrayon nila na maresolba ang mga ito sa lalong madaling panahon.
