Pilipinas nahablot ang ginintoang kampeonato

KUALA LUMPOR, MALAYSIA – Animo’y kabayo kung tumakbo ang 21 taong gulang na si Anthony Beram ang pambato ng Pilipinas matapos niyang inungusan ang mga iilang bansa sa Southeast Asia sa Athletics Men’s 400m Final ng 29th SEA Games na ginanap sa Bukit Jalil National Stadium ng Kuala Lumpor, Malaysia, August 18 – 26 2017.

Nasa ika pitong daraanan si Anthony Beram ng magsimula ang paligsahan. Bahayagyang naka una ang pambato ng Malaysia na si Arif Zulhil Mi Alet ngunit kalaunan ay nagawa itong habulin ni Beram sa kalagitnaan ng laban. Itinudo ni Beram ang kanyang bilis at hangin sa pagtakbo dahilan upang siya’y namayagpag at nasungkit ang kampeonato.

“Napakasaya ko dahil ang aking mga pagsisikap ay nabayaran na. Nagpapasalamat ako sa mga kababayan ko, sa lahat ng kanilang suporta sa akin na apresya ko talaga ang kanilang mga suporta at nagpapasalamat rin ako sa aking mga coaches na sinanay nila ako ng mabuti.” Pahayag ni Anthony Beram.

“Kung hindi ako sinanay ng husto ng aking Coach ay baka hindi ang panalo sa paligsahan na ito. Salamat rin sa mga Malayisan dahil binigyan nila kaming mga tagatakbo ng maganda at bonggang Stadium.” Dag dag pa ni Beram.

Mayroong kabuoang oras na 46.39 segundo si Beram (Gold Medalist)  sa pagtakbo habang pumangalawa sa kanya si P. Sunthonthuam (Silver Medalist) ng Thailand na may roong 46.46 na Segundo at si Quach Cong Lich (Bronze Medalist) ng Vietnam na may roong 46.48 segundo.

“Dapat umiwas po sila sa mga bisyo at humanap ng paraan para I develop ang kanilang interes sa isports o palaksan. Ang droga po ay walang magandang maidudulot sa ating katawan, di kagaya ng isports. Kaya po hinihimok kop o ang mga kabataang pinoy na maging aktibo sa kanilang napiling isports.” Huling pahayag ni Beram.

Subukan ninyong tumayo

Isa sa pinagtutuonang pansin ng kongreso ay ang pagkabuo ng isang pamilya na patuloy na kumakapit sa mundo ng politika. Sistemang di maipaliwanag kung makakatulong ba? O may ibang masamang hangarin sa ating bansa.

Kung ating tatalakayin, ang Political Dynasty ang pagkakadawit ng isang grupo ng pamilya sa lugar ng gobyerno at politika. Ito’y maikokonekta sa dugo at pangalan ng isang tao na maaring magdulot ng kasakiman para sa iba.

Ayon sa 1987 konstitusyon ng Pilipinas, ang Political dynasty ay labis na ipinagbabawal bilang isang palakad sa ating bansa, datapwa’t ito’y wala pa ring paraan para maipasa at maging isang batas ng ating Pilipinas.

Sa kabilang banda, inaprobahan ng 13 senador ang Senate Bill No. 1765 na umaayon upang pagbawalan ang pamilyang mamuno sa isang lugar.

Kabilang sa umapbroba ay si Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Loren Legarda, Panfilo Lacson, Grace Poe, JV Ejercito, Sonny Angara, Nancy Binay, Bam Aquino, Sherwin Gatchalian, Ralph Recto, at ang Chairs of Committees na si Manny Pangilinan at Liela De Lima.

Parte sa pinatutupad ng bill na pinagbabawalan ay ang mga asawa o maging common law-wife, magkapatid kahit na ito’y step brother o sister, magulang, anak mapa-illegitimate, legitimate o adopted at second degree relatives.

Kaugnay nito, naging matunog ang pagsang-ayon ni Pangulong Duterte na walisin ang sistemang Political Dynasty na kahit na sa lugar ng Davao City ang mga Duterte ang patuloy na naghahari.

Hindi maikakailang mga anak ni Duterte ang Patuloy na namamahala sa Davao. Ito’y tunay na sinang-ayonan ng Pangulo, ngunit kasama sa bulaslas nito ang paninindigang malaki ang nagbago sa syudad nang sila’y naghari dito.

Kaya ang tanong ni Juan, sino kaya ang susunod sa utos na ito? Kahit mismong namumuno ay siya din palang tunay na magbubuo nito. Ito ba ay may mabuting patutunguhan? o ito’y makakalugmok ba sa ating bayan? Tumayo na ang dapat tumayo para malaman naman ninyo ang tunay na kalagayan ng ibang tao.

Solusyon sa problema ng pamunuan ng Pansukian ibinahagi

Inilahad ng alkalde ng Pansukian, Surigao del Norte na si Mayor Antonio Santos ang solusyon sa problema na kinakaharap ng lungsod.

Sabi ni Santos, isa sa pangunahing solusyon ng lungsod ay ang pagtatayo ng mga negosyo sa mga mamamayan para sa pangkabuhayan.

“We constructed business centers and stations for local entrepreneurs that includes 20 stalls, 30 carts and 50 booths”

“We develop surfing camps for youths and we also established product development centers with NGO’s.”

Isa rin sa pagtutuonang pansin ay ang problema sa basura na naging pangunahing sanhi sa polusyon ng lungsod.

“For the environment, we provided 270 garbage bins distributed to barangay’s” ani Mayor Santos.

“We planted artificial corals molded with cements and limestone founded by the Bricks Foundation in Belguim and implemented a no-plastic-policy in the entire municipality,” dagdag niya.

Aniya, sosolusyonan din nila ang mga krimen na nangyayari sa kanilang lungsod.

“We also have a solution for crime like we initiated 20 CCTV’s to public areas, strictly implemented curfew to the minors at 8 pm and provided 30 street lights to tourism roads and national/public highways,”

Pahayag niya, sa ganitong paraan makakahinga ang komunidad sa pangamba ang pagkabahala.

Mayor ng Pansukian,SDN nagkamit ng ibat-ibang parangal

 

Mayor ng Pansukian Surigao del Norte, Antonio Santos ay nakakuha ng iba’t-ibang parangal sa kanyang termino ng panunungkulan.

Nagbahagi si Mayor Santos ng kagawaran sa isinagawang panayam nitong ika-1 ng Nobyembre, 2018 huwebes ng hapon.

“One of the major accomplishment I gained is an award for One of the Philippine Most Outstanding Mayor in 2015,” pahayag ni Santos.

Ayon sa kanya, nasundan pa ito ng parangal na ‘Galing Pook Award of 2015’ at ‘Most Sustainable in Tourism Industry’ sa kaparehong taon.

“I also received ‘Galing Pook Award of 2015, kasunod nito, in behalf of my community and constituents I received Most Sustainable in Tourism Industry,” dagdag niya.

Si Mayor Santos ay nagmula sa angkan ng mga politikong tao simula sa kanyang lolo, ama at kapatid.

“My grandfather was a good congressman of the province, my father served as governor in 1998-2015 and my brother was a councilor to the other communities.”

Ani Santos, labis s’yang nagpapasalamat sa kanyang pamilya sa ibinigay nitong pangaral upang makamit ang iba’t ibang parangal.