KUALA LUMPOR, MALAYSIA – Animo’y kabayo kung tumakbo ang 21 taong gulang na si Anthony Beram ang pambato ng Pilipinas matapos niyang inungusan ang mga iilang bansa sa Southeast Asia sa Athletics Men’s 400m Final ng 29th SEA Games na ginanap sa Bukit Jalil National Stadium ng Kuala Lumpor, Malaysia, August 18 – 26 2017.
Nasa ika pitong daraanan si Anthony Beram ng magsimula ang paligsahan. Bahayagyang naka una ang pambato ng Malaysia na si Arif Zulhil Mi Alet ngunit kalaunan ay nagawa itong habulin ni Beram sa kalagitnaan ng laban. Itinudo ni Beram ang kanyang bilis at hangin sa pagtakbo dahilan upang siya’y namayagpag at nasungkit ang kampeonato.
“Napakasaya ko dahil ang aking mga pagsisikap ay nabayaran na. Nagpapasalamat ako sa mga kababayan ko, sa lahat ng kanilang suporta sa akin na apresya ko talaga ang kanilang mga suporta at nagpapasalamat rin ako sa aking mga coaches na sinanay nila ako ng mabuti.” Pahayag ni Anthony Beram.
“Kung hindi ako sinanay ng husto ng aking Coach ay baka hindi ang panalo sa paligsahan na ito. Salamat rin sa mga Malayisan dahil binigyan nila kaming mga tagatakbo ng maganda at bonggang Stadium.” Dag dag pa ni Beram.
Mayroong kabuoang oras na 46.39 segundo si Beram (Gold Medalist) sa pagtakbo habang pumangalawa sa kanya si P. Sunthonthuam (Silver Medalist) ng Thailand na may roong 46.46 na Segundo at si Quach Cong Lich (Bronze Medalist) ng Vietnam na may roong 46.48 segundo.
“Dapat umiwas po sila sa mga bisyo at humanap ng paraan para I develop ang kanilang interes sa isports o palaksan. Ang droga po ay walang magandang maidudulot sa ating katawan, di kagaya ng isports. Kaya po hinihimok kop o ang mga kabataang pinoy na maging aktibo sa kanilang napiling isports.” Huling pahayag ni Beram.
