Editoryal


Subukan ninyong tumayo

img004

Isa sa pinagtutuunang pansin ng kongreso ay ang pagkabuo ng isang pamilya na patuloy na kumakapit sa mundo ng politika. Sistemang di maipaliwana kung makakatulong ba? O may ibang masamang hangarin sa ating bansa.

Kung ating tatalakayin, ang Political Dynasty ang pagkakadawit ng isang grupo ng pamilya sa lugar ng gobyerno at politika. Ito’y maikokonektaq sa dugo at pangalan ng isang tao na maaring magdulot ng kasakiman para sa iba.

Katulad ng pamilya ni Antonio Santos; ang kanyang lolo ay isang gobyerno sa isang distrik sa kanilang lalawigan ng halos 17 taon, ang kanyang mga kapatid bilang councilors sa matagal na taon na rin, ay maahahalintulad sa mga pamilyang namumuno ng walang balakid sa posisyon.

Ayon sa 1987 konstitusyon ng Pilipinas, ang Political dynasty ay labis na ipinagbabawal bilang isang palakad sa ating bansa, datapwa’t ito’y wala pa ring paraan para maipasa at maging isang batas n gating Pilipinas.

Sa kabilang banda, inaprobahan ng 13 senador ang Senate Bill No. 1765 na umaayon upang pagbawalan ang pamilyang mamuno sa isang lugar.

Kabilang sa umapbroba ay si Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Loren Legarda, Panfilo Lacson, Grace Poe, JV Ejercito, Sonny Angara, Nancy Binay, Bam Aquino, Sherwin Gatchalian, Ralph Recto, at ang Chairs of Committees na si Pangilinan at De Lima.

Parte sa pinatutupad na bill na pinagbabawalan ay ang mga asawa o maging common law-wife, magkapatid kahit na ito’y step bother o sister, maguloang, anak mapa-illegitimate, legitimate o adopted at second degree relatives.

Kaugnay nito, naging matunog ang pagsang-ayon ni Pangulong Duterte na walisin ang sistemang Political Dynasty, kahit na sa lugar ng Davao City ang mga Duterte ang patuloy na naghahari.