ISPORTS


Pilipinas nahablot ang ginintoang kampeonato

KUALA LUMPOR, MALAYSIA – Animo’y kabayo kung tumakbo ang 21 taong gulang na si Anthony Beram ang pambato ng Pilipinas matapos niyang inungusan ang mga iilang bansa sa Southeast Asia sa Athletics Men’s 400m Final ng 29th SEA Games na ginanap sa Bukit Jalil National Stadium ng Kuala Lumpor, Malaysia, August 18 – 26 2017.

Nasa ika pitong ‘track of the field’ si Anthony Beram ng magsimula ang paligsahan. Bahagyang naka una ang pambato ng Malaysia na si Arif Zulhil Mi Alet ngunit kalaunan ay nagawa itong habulin ni Beram sa kalagitnaan ng laban. Itinudo ni Beram ang kanyang bilis at hangin sa pagtakbo dahilan upang siya’y namayagpag at nasungkit ang kampeonato.

“Napakasaya ko dahil ang aking mga pagsisikap ay nabayaran na. Nagpapasalamat ako sa mga kababayan ko, sa lahat ng kanilang suporta sa akin na apresya ko talaga ang kanilang mga suporta at nagpapasalamat rin ako sa aking mga coaches na sinanay nila ako ng mabuti.” Pahayag ni Anthony Beram.

“Kung hindi dahil sa hustong pagsasanay namin ni Coach ay baka hindi ang panalo sa paligsahan na ito. Salamat rin sa mga Malaysian dahil binigyan nila kaming mga ‘running track’ ng maganda at bonggang Stadium.” Dagdag pa ni Beram.

Mayroong kabuoang oras na 46.39 segundo si Beram (Gold Medalist)  sa pagtakbo habang pumangalawa sa kanya si P. Sunthonthuam (Silver Medalist) ng Thailand na may roong 46.46 na Segundo at si Quach Cong Lich (Bronze Medalist) ng Vietnam na may roong 46.48 segundo.

“Dapat umiwas po sila sa mga bisyo at humanap ng paraan para yumabong ang kanilang interes sa isports. Ang droga po ay walang magandang maidudulot sa ating katawan, di kagaya ng isports. Kaya naman po, hinihimok ko po ang mga kabataang pinoy na maging aktibo sa kanilang napiling isports.” Huling pahayag ni Beram.

 

 

Bigyang Pansin

Hindi maipagkakaila, likas na magaling ang mga pinoy sa larangan ng isports. Maraming mga magagaling na atleta ang bansang Pilipinas katulad nina Alyssa Valdez, Manny Pacquiao, Hiedelyn Diaz at marami pang iba. Sa katunayan, may angkin na kagalingan ang mga atletang ito, ngunit bakit tila hindi parin kayang talunin ng iba nating mga atleta ang ibang manlalaro ng ibang bansa?

Ito ba ay tungkol sa kakulangan ng suporta sa ating gobyerno? O sadyang hindi talaga pinapahalagahan ang mundo ng laro?

Aktibo ang mga atleta ng Pilipinas na pag-ibayuhin ang bawat pag-iinsayo para sa bawat tournament na kanilang inaabangan at sinasalihan. Ngunit sa bawat pawis na pumapatak tuwing sila’y nag-iinsayo; may mga atletang nagpapahayag ng kanilang saluobin, “Kakulangan sa sapat na kagamitan dahil sa kawalan ng pundong ibinibigay ng pamahlaan para matustusan ang mga katulad naming manlalaro na sasabak sa bawat paligsahan ay isang malaking balakid kung aming maituturing.”

Sa makatuwid, dapat bigyang pansin na ng gobyerno ang mga manlalarong nagbibigay karangalan ng ating bansa. Mga manlalarong puno ang puso ng determinasyon para iwagayway ang bandera at iangat ang ngalan ng Pilipinas. Pero, paano natin maabot ang inaasam na tagumpay kung wala rin namang suportang ibibigay?