LATHALAIN

——————————————————————————————-

IMG_1515

——————————————————————————————-

Kapuri-puring Ama ng Sambayanan

Marikit ang panahon ng hapon na iyon ng Huwebes, sing-rikit ng taas noong pagbabahagi ng karangalan ng isang ama ng Munisipalidad ng Pansukian, Surigao del Norte sa mga mamamahayag na nakatuon ng buong pansin sa kanya. Higit na kapani-paniwala, ang ama ng Munisipalidad na buong tapat na binubuos ang puso ng kanyang buhay para sa ikakaayos ng kanyang lungsod ay isang kapuri-puring ama.

Sa ilang taong paglilingkod, ang ama na ito ng Munisipalidad ng Pansukian ay walang bahid na anumang katiwalian sa terminong kanyang hinakawakan. Tunay mong makikita sa kanyang may dangal na mukha ang serbisyong totoong kanyang sinusulong. Marahil na rin dahil sa kanyang makitid na utak, magagandang adhikain sa ikakaganda ng Munisipalidad ay tumatak.

Lubos ng nasaksihan sa buong sambayanan ang kanyang kadakilaan, sa katunayan, noong taong dalawang libo’t labing-lima, siya ay naparangalan ng dalawang pristeryosong parangal una na nito ay ang “Most outstanding  Mayor in the Philippines” dahil na rin sa kanyang striktong pagpapatupad sa mga may ngiping batas ng Munisipalidad. Pangalawa, ay ang “Galing Pook Award”kung saan tunay mong maaaninag ang kanyang pagiging may puso sa serbisyo na mas lalong nagpabango sa kanyang pagkatao.

Puso na nakalaan sa pamumuno, utak na tumatak sa marami, siya ang nag-iisa at walang kupas, ang kanyang sebisyo ay tunay na makatao, Hon. Antonio Santos ang kasalukuyang mayor ng Pansukian, Surigao del Norte. Ngayon, siya ay inaasahan dahil sa wala siyang panig sa katiwalian bagkos dangal niya ang panig sa katotohanan.

Kaya, sa mata ng marami, ang kanyang pagkataong may dangal na lumilingkod hango lamang sa tapat na paglilingkod ay lubos na masasabing kapuri-uring ama.